Bayan ng Baler

Location: Baler Municipal Hall, San Luis Street, Baler, Aurora
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BAYAN NG BALER

LUMANG PAMAYANAN SA BARRIO SABANG, BAGO DUMATING ANG MGA ESPANYOL. ITINATAG BILANG MISYON NG MGA PARING PRANSISKANO, 1609. NASIRA NG MALALAKING ALON, 27 DISYEMBRE 1735. LUMIKAS PANSAMANTALA ANG MGA MAMAMAYAN SA BUROL NG ERMITA BAGO LUMIPAT SA KASALUKUYANG POOK. NAGING KABISERA NG DISTRITO NG EL PRINCIPE (NGAYO’Y AURORA), 1856. POOK NA SINILANGAN NI MANUEL LUIS QUEZON, 19 AGOSTO 1878. SUMIKLAB ANG HIMAGSIKAN, OKTUBRE 1897. NAGANAP SA SIMBAHAN ANG PAGKUBKOB NG MGA REBOLUSYONARYO SA PUWERSANG ESPANYOL, 27 HUNYO 1898 – 2 HUNYO 1899, NA KINILALA BILANG MGA KAIBIGAN NG BISA NG DEKRETO NI HEN. EMILIO AGUINALDO, 20 HUNYO 1899. NAGING BAHAGI NG TAYABAS (NGAYO’Y QUEZON), 12 HUNYO 1902. NAGING KABISERA NG SUB-PROVINCE NG AURORA, 1951, AT NG LALAWIGAN NG AURORA, 1979.

No comments:

Post a Comment