Location: 2149 Severino Reyes Street, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 September 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
SEVERINO REYES
(1861–1942)
IPINANGANAK SA PUROK NG STA. CRUZ, NGAYO’Y SAKOP NG MAYNILA, NOONG IKA-11 NG PEBRERO, 1861. NAG-ARAL SA SAN JUAN DE LETRAN AT NAGTAPOS SA PILOSOPYA SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS. NOBELISTA AT KUWENTISTA, SIYA’Y NATANGHAL NA PANGUNAHING MANDUDULA NA NAGPALAGANAP NG SARSUWELA SA PILIPINAS. ANG KANYANG DULANG “R.I.P.” NA ITINANGHAL NOONG 1902 AY TUMUDYO AT PUMATAY SA MORO-MORO AT KOMEDYA. TAGAPAGTATAG NG “GRAN COMPAÑIA DE ZARZUELA TAGALA” NA TUMANGKILIK AT NAGPALAGANAP NG DULANG TAGALOG; TAGAPAGTATAG AT UNANG PATNUGOT NG LINGGUHANG “LIWAYWAY” NA KINALATHALAAN NG KINAGILIWANG “ANG KUWENTO NI LOLA BASIANG.” NAMATAY SA MAYNILA NOONG IKA-15 NG SEPTIYEMBRE, 1942.
No comments:
Post a Comment