Showing posts with label Santa Cruz. Show all posts
Showing posts with label Santa Cruz. Show all posts

Dalawampu't Siyam na Martir

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Manila North Cemetery, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker, Memorial
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 11 April 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
DALAWAMPU'T SIYAM NA MARTIR

NAGTANGGOL NG KALAYAAN NG PILIPINAS NOONG PANAHON NG HAPON SINA THOMAS ACON, DEVER ALEJANRO, JOSE MA. ALVAREZ, LEANDRO ALVAREZ, MANUEL ARGUILLA, WILLIAM ARTHUR, MANUEL ANASTACIO, BAÑALES, JUAN MIGUEL ELIZALDE, MANUEL ENRIQUEZ, VICENTE GEPTE, EMILIO GRUPE, HENRY DE LARA, FRANCISCO DE LEON, VIRGILIO LOBREGAT, GREGORIO MAGAT, JOSE MAÑOSA, ANTONIO MONTALVAN, TOM MYERS, JOSE OZAMIS, CIRILO PEREZ, ENRICO PIROVANO, LUIS PULIDO, NESTOR REINOSO, VICENTE I. REYES, RAFAEL R. ROCES, JR., GREGORIO SORIANO, AT RODOLFO YAP, SILA'Y DINAKIP NG MGA HAPONES  AT IPINIIT SA FORT SANTIAGO AT BILIBID, PINUGUTAN NG ULO AT ITINAPON ANG MGA BANGKAY SA ISANG HUKAY SA MANILA CHINESE CEMETERY; 30 AGOSTO 1944. MULING NATAGPUAN ANG MGA LABI, 1946; INILIPAT ANG MGA LABI KASAMA KAY BLANCHE WALKER JURIKA AT BINIGYAN NG MARANGAL NA LIBING SA CEMENTERIO DEL NORTE SA MAYNILA, 9 MARSO 1947.

Francis Burton Harrison

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Main Avenue, Manila North Cemetery, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 18 December 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
FRANCIS BURTON HARRISON
1873-1957

AMERIKANONG GOBERNADOR-HENERAL NG PILIPINAS. ISINILANG SA NEW YORK, ESTADOS UNIDOS, 18 DISYEMBRE 1873. NAGTAPOS NG KOLEHIYO SA YALE UNIVERSITY, 1895 AT ABOGASYA SA NEW YORK LAW SCHOOL, 1897. NAHALAL NA KINATAWAN NG LUNGSOD NG NEW YORK, 1903-1913. NANUNGKULANG GOBERNADOR-HENERAL NG PILIPINAS, 1913-1921. ISINULONG ANG “PILIPINISASYON” O ANG PAGTATALAGA NG MGA PILIPINO SA MGA MAHAHALAGANG TUNGKULING PAMPAMAHALAAN. NAGING TAGAPAYO NINA PANGULONG MANUEL QUEZON, SERGIO OSMEÑA AT MANUEL ROXAS. NAGING NATURALISADONG MAMAMAYANG PILIPINO SA BISA NG BATAS KOMONWELT BLG. 73, 26 OKTUBRE 1936. YUMAO SA NEW JERSEY, ESTADOS UNIDOS, 21 NOBYEMBRE 1957, AT INILIBING SA MANILA NORTH CEMETERY ALINSUNOD SA KANYANG HULING HABILIN.

The Philippine Tuberculosis Society

Location: San Lazaro Street, Sta. Cruz, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: Unknown
Marker text:
THE PHILIPPINE TUBERCULOSIS SOCIETY

FOUNDED 29 JULY 1910 AT A MEETING PRESIDED BY GOVERNOR GENERAL W. CAMERON FORBES, ATTENDED BY HON. SERGIO OSMENA. MONS. AMBROSIO AGIUS, INVOCATION SPEAKER. INCORPORATED 13 AUGUST 1910. CORNERSOTINE LAID 21 NOVEMBER 1925 BY MRS. AURORA A. QUEZON, CONSTRUCTION OF THE BUILDING DURING PRESIDENCY OF DR. MAXIMINO PATERNO, AND INAUGURATED 23 JULY 1926. MRS. MARTIN F. EGAN, ITS FIRST PRESIDENT, AND DR. OLIVIA SALAMANCA, FIRST SECRETARY, WERE DRIVING FORCE OF THE ORGANIZATION. MARKER UNVEILED ON THE BIRTHDAY OF PRESIDENT QUEZON.

Manila Law College

Location: Sta. Cruz, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: Unknown
Marker text:
MANILA LAW COLLEGE

FOUNDED 27 FEBRUARY 1899 AS ESCUELA DE DERECHO DE MANILA BY FELIPE CALDERON, TEACHER, JURIST, MEMBER OF THE MALOLOS CONGRESS AND AUTHOR OF THE MALOLOS CONSTITUTION. HAVING NO BUILDING OF ITS OWN, CLASSES WERE HELD IN THE HOMES OF PROFESSORS. ASSUMED ITS PRESENT NAME, 1926. THIS BUILDING WAS CONSTRUCTED IN 1949.

Manila College of Pharmacy

Location: MCU Compound, Sta. Cruz, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1954
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
MANILA COLLEGE OF PHARMACY

THE FIRST SCHOOL OF PHARMACY ESTABLISHED AND RUN BY FILIPINOS. ORIGINALLY A PHARMACY REVIEW CLASS UNDER DR. ALEJANDRO ALBERT HELD IN HIS HOUSE AT STA. CRUZ, MANILA, 1904, MOVED TO LICEO DE MANILA BUILDING AR DULUMBAY STREET, NOW RIZAL AVENUE, AND ORGANIZED INTO ESCUELA DE FARMACIA AFFILIATED TO THE LICEO DE MANILA. DR. ALEJANDRO ALBER, FIRST DIRECTOR, 1904-1908. MOVED TO ITS PRESENT SITE, 1915. BECAME A COLLEGE OF PHARMACY, 1916 AND COLLEGE OF PHARMACY AND DENTISTRY, 1929. IT BECAME THE NUCLEUS OF THE MANILA CENTRAL UNIVERSITY, 1948.

Bureau of Health

Location: San Lazaro Hospital Compound, Sta. Cruz, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1950
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
BUREAU OF HEALTH

BEGAN AS THE BOARD OF HEALTH FOR THE CITY OF MANILA, OCCUPYING PART OF THE PALACIO DEL SEGUNDO CABO, 1898. EXTENDED FUNCTIONS TO THE PROVINCES, 1899. REORGANIZED AS BOARD OF HEALTH FOR THE PHILIPPINES, 1901; PHILIPPINE HEALTH SERVICE, 1915; AND AS BUREAU OF HEALTH, 1932. QUARTERED IN THE OLD STA. POTENCIANA BUILDING; PHILIPPINE NORMAL SCHOOL ANNEX, 1942-1945; COLEGIO MEDICO-FARMACEUTICO BUILDING, 1945; THEN TO THE SAN LAZARO HOSPITAL COMPOUND, 1946. THIS BUILDING WAS CONSTRUCTED FOR ITS USE UNDER THE INITIATIVE OF DIRECTOR FELIPE ARENAS, WAS INAUGURATED 19 AUGUST 1949.

Dr. Lorenzo Negrao

NHCP SocMed Pubmat for National Heritage Month 2024

Location: Escolta Street, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1934
Marker text:
DR. LORENZO NEGRAO

SPANISH PHYSICIAN AND PHARMACIST ESTABLISHED IN MANILA IN 1830 A COMMERCIAL PHARMACY LATER KNOWN AS BOIE AND SCHADENBERG AND CONTINUED INTO MODERN TIMES AS THE BOTICA BOIE PHILIPPINE-AMERICAN DRUG COMPANY. 

(COMPLETELY DESTROYED DURING THE JAPANESE OCCUPATION. NEW BUILDING ERECTED ON SITE, 1952.)

Philippine Feminist Association Founding Site

Location: Priscilla Building, 770 Rizal Avenue cor. Claro M. Recto Avenue, Santa Cruz, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1955
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:

IN A BUILDING ON THIS SITE WAS ORGANIZED THE ASOCIACION FEMINISTA FILIPINAS ON 30 JUNE, 1905.

Ariston Bautista Lin 1863–1928

Location: Chinatown Gold Center, 509-11 Ronquillo Street, Plaza Santa Cruz, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ARISTON BAUTISTA LIN 1863–1928

MANGGAGAMOT, PILANTROPO AT MAKABAYAN. SIYA AY IPINANGANAK SA POOK NA ITO NOONG IKA-22 NG PEBRERO 1863 KINA MARIANO A. BAUTISTA AT TERESA LIMPINGCO. NAG-ARAL NG MEDISINA SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS, 30 HUNYO 1891 AT NAGTAPOS NA MAY TITULONG LISENSIYADO AT DOKTOR NG MEDISINA SA UNIVERSIDAD CENTRAL DE MADRID, 20 ABRIL 1892. KINILALANG KLINISTA DAHIL SA PAGBALANGKAS NIYA NG ORIHINAL NA MGA RESETA PARA SA PANGGAGAMOT NG KETONG, KOLERA AT TISIS. NAGING PUNO NG KAGAWARANG KLINIKAL NG KOLEHIYO NG MEDISINA NG PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1916–1917. NAGING UNANG PILIPINONG PANGULO NG LUPON NG MGA TAGASURI SA MEDISINA, 1903. KASAMA NINA RIZAL, LUNA, DEL PILAR AT LOPEZ JAENA SA KILUSAN NG PAGPAPALAGANAP. IBINILANGGO SA KUTANG SANTIAGO, 1896. NAGING KAGAWAD NG KONGRESO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1898. NAMATAY SA MAYNILA NOONG IKA-3 NG MARSO 1928.

Leoncio Asuncion (1813–1888)

Location: Santa Cruz Church, Plaza Santa Cruz, Santa Cruz, Manila
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 12, 1983
Marker text:
LEONCIO ASUNCION
(1813–1888)

AMA NG MAKABAGONG ISKULTURANG PANRELIYON. IPINANGANAK NOONG SETYEMBRE 12, 1813 SA STA. CRUZ, MAYNILA. NAGTRABAHO SA BANTOG NA “TALLER DE ESCULTURAS” NOONG 1830 AT NAGING ISA SA PINAKAMAHUSAY NA TAGASALIN NG GARING AT KAHOY NG MGA SINING NA PANRELIYON NOONG IKA-19 NA SIGLO. LUMILOK NG BANTONG NA “LA TERCERA CAIDA” ANG KANYANG MGA OBRAMAESTRA AY KILALA DAHIL SA NAKAHAHABAG NA ANYO AT SA PAGKAKATUGMA-TUGMA NG MGA LINYANG ANATOMIKAL NA ISINAGAWA SA MGA IMAHENG GARING NG PINAGPALANG BIRHENG MARIA, SANTO CRISTO AT MARAMI PANG IBA. NAMATAY NOONG 1888.

Rosauro Almario (1886–1933)

Location: Rosauro Almario Elementary School, Kagitingan Street, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: August 29, 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ROSAURO ALMARIO
(1886–1933)

IPINANGANAK SA TONDO, MAYNILA NOONG AGOSTO 30, 1886. KALIHIM NG ALKALDE NG MAYNILA, 1920–1923; KONSEHAL NG MAYNILA, 1925–1928; PANGULO, SANGGUNIANG PANLUNGSOD, 1930. TINAGURIANG “TERROR OF GRAFTERS.” MAY-AKDA, BATAS SA “BLUE SUNDAY.” KILALANG MANUNULAT SA TAGALOG. SUMULAT NG MGA SANAYSAY NA “ANO ANG LIGAYA SA IBABAW NG LUPA” AT “QUE ES PUEBLO?”; MGA MAIKLING NOBELA TULAD NG “MGA ANAK BUKID,” “NANG MABUHAY ANG PATAY,” “PINATATAWAD KITA,” “MGA DAHONG LUKSA,”AT IBA PA SA ILALIM NG MGA SAGISAG-PANULAT NA R.O. NOEL, BATANG SIMOUN, MATANGLAWIN AT IBA PA. PATNUGOT, PAGKAKAISA AT SAMPAGUITA; KAGAWAD NG PAMUNUAN, EL COMERCIO; TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, LA OPINION; TAGAPAGTATAG, AKLATANG BAYAN; KONTRIBUTOR, MULING PAGSILANG, TALIBA, AT ANG MITHI. NAMATAY NOONG MARSO 11, 1933.

Obispo Maximo Isabelo de los Reyes, Anak

Location: Maria Clara Church, 1320 Concepcion Street, Santa Cruz, Manila
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1972
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
OBISPO MAXIMO ISABELO DE LOS REYES, ANAK

SA SIMBAHANG ITO INORDENAN AT UNANG NAGMISA. ISINILANG SA MADRID, ESPANYA, NOONG PEBRERO 14, 1900. NAGING KATAAS-TAASANG OBISPO NG IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE AT MASUGID NA TAGAPAGTAGUYOD NG KILUSANG EKUMENISMO SA PILIPINAS. NAMATAY NOONG OKTUBRE 10, 1971 SA SA SIMBAHANG ITO SAMANTALANG NAGKAKASAL.

Francisco Mercado Rizal and Teodora Alonso

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Manila North Cemetery, Santa Cruz, Manila, Metro Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1961
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:

FRANCISCO MERCADO RIZAL (11 MAY 1818 – 5 JANUARY 1898) AND TEODORA ALONSO (8 NOVEMBER 1826 – 16 AUGUST 1911), PARENTS OF JOSE RIZAL, ARE INTERRED IN THIS MAUSOLEUM.

Dating Libingan ni Apolinario Mabini 1903

Location: Manila Chinese Cemetery, A. Mabini Road, Santa Cruz, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1963
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
DATING LIBINGAN NI 
APOLINARIO MABINI 
1903

SA POOK NA ITO INILIBING SI APOLINARIO MABINI, ANG DAKILANG PARALITIKO, NA NAMATAY SA SAKIT NA KOLERA NOONG IKA-13 NG MAYO, 1903. NAGING “UTAK NG HIMAGSIKAN,” SI MABINI AY NAPASAKOP SA KAPANGYARIHANG AMERIKANO NOONG IKA-26 NG PEBRERO, 1903, PAGLUNSAD NIYA SA BAPOR BUHAT SA GUAM NA PINAGTAPUNAN SA KANYA.

Honorata de la Rama (1902–1991)

NHCP Photo Collection, 2021
NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2008

NHCP Photo Collection, 2008

NHCP Photo Collection, 2008
Location: Manila North Cemetery, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 20, 1994
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HONORATA DE LA RAMA 
(1902-1991)

UNANG PILIPINONG NAGPAKILALA SA KUNDIMAN SA IBANG BANSA. KILALANG MANUNULAT NG MAIKLING KUWENTO, SARSUELA AT OPERATA. IPINANGANAK, ENERO 11, 1902, SA PANDACAN, MAYNILA. BUONG GILIW NA TINATAWAG NA ATANG, SIYA AY GUMANAP SA MAHIGIT NA 50 SARSUELA SA MGA WIKANG KASTILA. TAGALOG, PAMPANGO AT ILOKANO. ANG KANYANG MGA KILALANG PAGGANAP AY SA DALAGANG BUKID, PAGLIPAS NG DILIM AT ANG KIRI. PINAKAMAGALING NA OPERATA ANG BULAKLAK SA KABUNDUKAN, AKING INA, ANAK NI EVA AT ANG PURI AT BUHAY. TUMANGGAP NG NAPAKARAMING GAWAD TULAD NG “REYNA NG KUNDIMAN”, 1963, AT “PRIMA DONNA NG TANGHALANG PILIPINO”, 1968; PRESIDENTIAL AWARD OF MERIT, 1966; NATIONAL ARTIST AWARD PARA SA TEATRO AT MUSIKA, 1987. NAMATAY, HULYO 11, 1991. 


Amado Hernandez y Vera

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021


NHCP Photo Collection, 2021

Location: Manila North Cemetery, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 20, 1994
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
AMADO HERNANDEZ Y VERA

IPINANGANAK SA TONDO, MAYNILA, 13 SETYEMBRE 1903. MAKATANG LAUREADO, MANUNULAT, MAMAMAHAYAG AT LIDER NG MGA MANGGAGAWA. IBINILANGGO DAHIL SA BINTANG NA REBELYON, 1951. PINAWALANGSALA NG KATAAS-TAASANG HUKUMAN, 1964. MGA KATANGI-TANGING AKDA: ISANG DIPANG LANGIT, BAYANG MALAYA, MGA IBONG MANDARAGIT AT LUHA NG BUWAYA NA PAWANG ISINULAT SAMANTALANG NASA BILANGGUAN. GINAWARAN COMMONWEALTH LITERARY AWARDS, PALANCA AWARDS (DALAWANG ULIT), JOURNALISM AWARD (NPC-ESSO), REPUBLIC CULTURAL HERITAGE AWARD AT BALAGTAS AWARD. MGA POSTUMONG GAWAD: DOKTOR SA HUMANIDAD HONORIS CAUSA, U.P. AT TANGLAW NG LAHI, ATENEO UNIVERSITY. PINARANGALAN BILANG PAMBANSANG ALAGAD NG SINING 1973. NAMATAY 24 MARSO 1970.

Hukbong Gerilya ng mga Tsino-Filipino Laban sa mga Hapon sa Pilipinas Wha Chi

© Ryomaandres/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Manila Chinese Cemetery, Matandang Sora Street cor. Consul Gen Young Road, Santa Cruz, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2005
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HUKBONG GERILYA NG MGA TSINO-FILIPINO LABAN 
SA MGA HAPON SA PILIPINAS 
WHA CHI

BINUO NG MGA TSINONG LUMIKAS SA GITNANG LUZON MULA SA MAYNILA BILANG BAHAGI NG HUKBALAHAP UPANG LABANAN ANG PANANAKOP NG MGA HAPON. ITINALAGANG SQUADRON 48 BILANG PARANGAL SA NEW FOURTH ARMY AT EIGHTH ROUTE ARMY NG TSINA, 19 MAYO 1942. NAGING UNANG KOMANDANTE SI HUANG CHIEH AT KOMISARYONG PAMPULITIKA SI CHAI CHIEN HWA. ORIHINAL NA NAKAHIMPIL SA PAMPANGA. NAGMARTSA HANGGANG LAGUNA AT TAYABAS, 9 MAYO – 3 HUNYO 1943. BUMUO NG HIWALAY NA PANGKAT NG MGA GERILYA AT SUMANIB SA NAGKAKAISANG HANAY LABAN SA HAPON, HUNYO 1943. NAG-IISA O KASAMA NG IBA PANG PANGKAT NA LUMABAN SA TARLAC, PAMPANGA, RIZAL, LAGUNA AT CAMARINES NORTE. TUMULONG SA PAGBIBIGAY-DAAN SA HUKBONG AMERIKANO PARA SA LABANAN SA MAYNILA, ENERO 1945, AT SA PAGSAKOP NG HILAGANG BAHAGI NG MAYNILA, PEBRERO–MARSO, 1945. LUMAHOK SA PAGPAPALAYA SA LOS BAÑOS INTERMENT CAMP, 23 PEBRERO 1945. BINUWAG BILANG NASASANDATAHANG PANGKAT, 24 SETYEMBRE 1945.

Severino Reyes (1861–1942)

Location: 2149 Severino Reyes Street, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 September 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
SEVERINO REYES 
(1861–1942)

IPINANGANAK SA PUROK NG STA. CRUZ, NGAYO’Y SAKOP NG MAYNILA, NOONG IKA-11 NG PEBRERO, 1861. NAG-ARAL SA SAN JUAN DE LETRAN AT NAGTAPOS SA PILOSOPYA SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS. NOBELISTA AT KUWENTISTA, SIYA’Y NATANGHAL NA PANGUNAHING MANDUDULA NA NAGPALAGANAP NG SARSUWELA SA PILIPINAS. ANG KANYANG DULANG “R.I.P.” NA ITINANGHAL NOONG 1902 AY TUMUDYO AT PUMATAY SA MORO-MORO AT KOMEDYA. TAGAPAGTATAG NG “GRAN COMPAÑIA DE ZARZUELA TAGALA” NA TUMANGKILIK AT NAGPALAGANAP NG DULANG TAGALOG; TAGAPAGTATAG AT UNANG PATNUGOT NG LINGGUHANG “LIWAYWAY” NA KINALATHALAAN NG KINAGILIWANG “ANG KUWENTO NI LOLA BASIANG.” NAMATAY SA MAYNILA NOONG IKA-15 NG SEPTIYEMBRE, 1942.

Justiniano Asuncion (1816–1896)

NHCP Photo Collection, 2013

Location: Sta. Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker dates: 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JUSTINIANO ASUNCION (1816–1896)

PANGUNAHING PINTOR NA KILALANG-KILALA SA “CAPITAN TING.” IPINANGANAK NOONG SETYEMBRE 26, 1816 SA STA. CRUZ, MAYNILA. NAG-ARAL SA ESCUELA DE DIBUJO, 1834. CAPITAN MUNICIPAL NG STA. CRUZ, GUMUHIT NG BANTOG NA KORONASYON NG BIRHEN, BIRHEN NG ANTIPOLO, FILOMENA ASUNCION AT ROMANA A. CARILLO. GUMUHIT DIN NG SINLAKI NG TAONG LARAWAN NINA SAN AGUSTIN, SAN GERONIMO, SAN AMBROSIO AT SAN GREGORIO MAGNO NA DATING NASA SIMBAHAN NG STA. CRUZ, ITINANGHAL ANG MGA ITO SA PAMBANSANG MUSEO AT INILIPAT SA PAG-IINGAT NG “KAYAMANAN” NG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS. NAMATAY NOONG 1896.

Inauguration of the First Philippine Assembly

NHCP Photo Collection, 2017

NHCP Photo Collection, 2017

Location: Manila Grand Opera Hotel, Doroteo Jose corner Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site, Event
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1940
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
INAUGURATION OF THE FIRST PHILIPPINE ASSEMBLY

THE FIRST PHILIPPINE ASSEMBLY WAS INAUGURATED HERE ON OCTOBER 16, 1907, BY UNITED STATES SECRETARY OF WAR WILLIAM HOWARD TAFT IN THE PRESENCE OF THOUSANDS OF PEOPLE, INCLUDING GOVERNOR GENERAL JAMES F. SMITH, MEMBERS OF THE PHILIPPINE COMMISSION, JUSTICES OF THE SUPREME COURT, REPRESENTATIVES OF FOREIGN GOVERNMENTS, OFFICERS OF THE UNITED STATES ARMY AND NAVY, ECCLESIASTICAL DIGNITARIES, AND RANKING OFFICIALS OF THE INSULAR, PROVINCIAL, AND MUNICIPAL GOVERNMENTS. OF THE 80 DULY ELECTED DELEGATES, 79 WERE PRESENT. THE FIRST FILIPINO BISHOP OF NUEVA CACERES, THE RIGHT REVEREND JORGE BARLIN, PRONOUNCED THE INVOCATION.