© Judgefloro/Wikimedia Commons |
Location: World War II Death March Memorial Shrine, National Road, Brgy. Poblacion, Mariveles, Bataan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1967
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text (English):
THE DEATH MARCH OF FILIPINO AND AMERICAN PRISONERS OF WAR FROM MARIVELES AND BAGAC TO CAMP O’DONNELL, CAPAS, TARLAC APRIL 1942
IMMEDIATELY AFTER THE FALL OF BATAAN ON APRIL 9, 1942, THE USFIP FORCES WERE EVACUATED BY THE JAPANESE FROM THE FIELD OF BATTLE AS PRISONERS OF WAR. THE MORE THAN 70,000 FILIPINO AND AMERICAN TROOPS WHO HAD SURVIVED THE BATTLE OF BATAAN UNDERWENT, IN THIS EVACUATION, THE ORDEAL THAT HISTORY KNOWS AS THE DEATH MARCH.
THE DEATH MARCH STARTED FROM TWO POINTS IN BATAAN: ON APRIL 10 FROM MARIVELES, ON APRIL 11 FROM BAGAC. THE FILIPINO AND AMERICAN TROOPS WERE MARCHED DAY AND NIGHT, UNDER THE BLISTERING SUN OR COLD NIGHT SKY, STAGGERING THROUGH CABCABEN, LIMAY, ORION, PILAR AND BALANGA, WHERE THEY WERE GIVEN A BRIEF REST AND SOME WATER. FROM BALANGA, THE PRISONERS OF WAR WERE ORGANIZED INTO GROUPS OF 100 TO 200 AND UNDER GUARD MARCHED ON THROUGH ABUCAY, SAMAL AND ORANI, WHERE THE AMERICANS WERE SEGREGATED FROM THE FILIPINO PRISONERS OF WAR AND MARCHED SEPARATELY. THE MARCH CONTINUED NORTHWARD THROUGH HERMOSA, TO LAYAC, THROUGH LUBAO, GUAGUA, WHERE THE PRISONERS RESTED AND GIVEN LITTLE FOOD AT THE NATIONAL DEVELOPMENT COMPANY COMPOUND, BACOLOR AND SAN FERNANDO.
ALREADY SUFFERING FROM BATTLE FATIGUE, THE FILIPINO AND AMERICAN TROOPS WERE STRAINED TO UTTER EXHAUSTION BY THIS LONG MARCH ON FOOT. MANY WERE ILL, MOST WERE FEVERISH, BUT NONE MIGHT REST, FOR THE ENEMY WAS BRUTAL WITH THOSE WHO LAGGED BEHIND. THOUSANDS FELL ALONG THE WAY. TOWNSPEOPLE ON THE ROADSIDE RISKED THEIR LIVES BY SLIPPING FOOD AND DRINK TO THE DEATH MARCHERS AS THEY STUMBLED BY.
IN SAN FERNANDO, THE DEATH MARCH BECAME A DEATH RIDE BY CARGO TRAIN WHEN THE PRISONERS WERE PACKED SO DENSELY INTO BOXCARDS THAT MANY OF THEM PERISHED FROM SUFFOCATION. THOSE WHO ARRIVED ALIVE IN CAPAS HAD STILL TO WALK THE LAST AND MOST AGONIZED MILES OF THE DEATH MARCH: THE 6 KILOMETERS TO CAMP O’DONNELL, WHICH WAS TO BECOME OF THE MOST HELLISH OF THE CONCENTRATION CAMPS OF WORLD WAR II.
Marker text (Filipino):
IKA-9 NG ABRIL, 1942, ANG PAGBAGSAK NG BATAAN AY NAGING LUKSANG KABANATA SA KASAYSAYAN NG BANSANG PILIPINO. NGUNI’T PARA SA MAHIGIT NA 70,000 KAWAL NG USAFFE NA NAGING LABI NG DIGMA SA BATAAN, ANG MARIING DAGOK NA ITO AY HINDI NAGWAKAS NG ARAW NA YAON. MULA SA LARANGAN NG DIGMAAN, SILA’Y INILIKAS NG MGA HAPONES BILANG MGA BILANGGO NG DIGMA, AT DITO NILA DINANAS ANG LIBONG HIRAP AT PAGTITIIS SA PAGLALAKBAY NA NATITIK SA KASAYSAYAN NG BANSA SA BANSAG NA “DEATH MARCH”.
NAGSIMULA SA DALAWANG POOK ANG “DEATH MARCH” MULA SA MARIVELES NOONG IKA-10 NG ABRIL, AT MULA SA BAGAC NOONG IKA-11 NG ABRIL. ARAW AT GABI’Y PINAGLAKAD ANG MGA KAWAL NA PILIPINO’T AMERIKANO, SA NAKAPAPASONG INIT NG ARAW O SA LAMIG NG GABI, PASURAY-SURAY SA MGA BAYAN NG CABCABEN, LIMAY, ORION, PILAR AT BALANGA, SILA’Y PINAGPAHINGANG SANDALI AT PINAINOM NANG KAUNTI. BUHAT SA BALANGA ANG MGA BILANGGO NG DIGMA AY PINAGPANGKAT-PANGKAT MULA SA 100 HANGGANG 200 BAWA’T PANGKAT AT ISINAILALIM SA MGA TANOD HABANG NAGLALAKAD SA MGA LANSANGAN NG ABUKAY, SAMAL, HANGGANG ORANI AT DOON IBINUKOD ANG MGA BILANGGONG AMERIKANO SA MGA BILANGGONG PILIPINO AT MAGKAHIWALAY NA PINAGLAKAD. ANG MARAHAS NA PAGPAPALAKAD AY NAGPATULOY PAHILAGA PATUNGONG ABUKAY, SAMAL, HERMOSA HANGGANG SANGANDAAN NG LAYAC, PAGKATAPOS PASILANGAN PATUNGONG PAMPANGA SA PAMAMAGITAN NG LUBAO, GUAGUA NA DITO PINAGPAHINGA AT BINIGYAN NG KAUNTING PAGKAIN SA BAKURAN NG NATIONAL DEVELOPMENT COMPANY, BACOLOR AT SAN FERNANDO.
LAGANAP ANG DAING NG MGA KAWAL PILIPINO AT AMERIKANO NA DUHAGI NA SA PAKIKIBAKA AY PAGOD PA SA PAGLALAKAD. ANO MANG KARAMDAMAN O SAKIT NG KATAWAN AY HINDI DAHILAN UPANG MAKAPAGPAHINGA, SAPAGKA’T ANG PAGTIGIL AY MALAKING SAGABAL NA NANGANGAHULUGAN NG LALONG MALUPIT NA PARUSANG IGAGAWAD NG WALANG-AWANG MGA KAAWAY. LIBO-LIBONG BUHAY ANG HINDI NA NAKARATING SA PAROROONAN. SALAMAT SA MGA MAMAMAYANG NAGLAKASLOOB SUMUONG SA PANGANIB, MAKAPAG-ABOT LAMANG NG PAGKAIN AT INUMIN; MAY MAPAPALAD PA RING TUMANGGAP NG PANGTAWID-BUHAY.
SA SAN FERNANDO AY HIGIT NA MAKAHAYOP ANG PAKIKITUNGONG TINANGGAP NG MGA BILANGGO NG DIGMA NANG SILA’Y SALA-SALANSANG ISAKAY SA BAGON NG TREN. IBAYONG DAMI NG BUHAY ANG NAKITIL, AT MABIBILANG ANG NAKARATING NG BUHAY SA CAPAS. MULA SA CAPAS, ANG MGA NALALABI’Y MULING PINALAKAD HANGGANG KAMPO O’DONNEL, ISA SA MGA KULUNGANG MAITUTURING NA IMPIYERNO SA IBABAW NG LUPA NOONG PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.
No comments:
Post a Comment