Showing posts with label Region III. Show all posts
Showing posts with label Region III. Show all posts

Concepcion Presidencia Building

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Concepcion, Tarlac
Category: Buildings/Structures
Type: Capitol building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 30 April 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CONCEPCION PRESIDENCIA BUILDING

ITINAYO NG BUREAU OF PUBLIC WORKS ANG KONGKRETONG ISTRUKTURA AYON SA DISENYO NI JUAN ARELLANO SA ILALIM NG PAMAMAHALA NI GREGORIO PALMA, 1929. NAPASAILALIM SA MGA HUKBONG HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1941. PANSAMANTALANG NAGING HIMPILAN NG HUKBONG BAYAN LABAN SA HAPON (HUKBALAHAP) NA TUMAGAL NANG TATLONG LINGGO MATAPOS UMALIS ANG MGA HAPON, 1945. NAGING TANGGAPAN NI DATING SENADOR BENIGNO “NINOY” SIMEON AQUINO JR. NANG SIYA’Y MANILBIHAN BILANG ALKALDE, 1956-1959. ITINAMPOK SA DISENYO NG LIMANG DAANG PISO NG NEW DESIGN SERIES NG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS, 1986-2010. NAKALIGTAS SA PINSALA NG LINDOL AT PAGSABOG NG BULKANG PINATUBO, 1991. ISINAAYOS NG PAMAHALAANG BAYAN NG CONCEPCION, 2007. ANG ISTILO NITO AY IBINATAY SA PRESIDENCIA NG DAVAO NA ITINAYO NOONG 1926.  

Simbahan ng San Jose Del Monte

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: San Jose Del Monte, Bulacan
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 13 February 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG SAN JOSE DEL MONTE

ITINATAG NG MGA PRANSISKANO BILANG VISITA NG MEYCAUAYAN GAMIT ANG MGA PAYAK NA MATERYALES. NAGING HIWALAY NA PAROKYA AT INIALAY SA PATRONATO NI SAN JOSE DE OBRERO, IKA -11 PEBRERO 1752. ITINAYO ANG SIMBAHANG YARI SA ADOBE SA UNANG BAHAGI NG IKA-19 DANTAON. NAPINSALA NG SUNOG, 13 PEBRERO 1822. NAIPATAYONG MULI SA TULONG PINANSYAL NG MGA MAMAMAYAN. PATULOY RING NAKATANGGAP NG PINANSYAL NA SUPORTA MULA SA PAROKYA NG MEYCAUAYAN HANGGANG 1853. INILARAWAN SA ISANG SIPI NG LA ILUSTRACION FILIPINA ANG BAGONG TAYONG GUSALI BILANG ‘DE MEDIANA ARQUITECTUR’ DAHIL SA KATAMTAMANG LAKI NITO, 1860. NAGING POOK-LABANAN AT NAPINSALA SA LABANAN NG MGA HUKBONG PILIPINO AT SUNDALONG ESPANYOL, 1896, AT NADATNANG NAPINSALA NG SUNOG, 1899. NAGING PIITAN NG MGA PILIPINONG LUMABAN SA MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. DUMAAN SA PAGSASAAYOS, 1976. NAPINSALA NG LINDOL, 1990. ISINAILALIM SA MALAWAKANG MODERNISASYON BILANG TUGON SA LUMALAGONG BILANG NG MANANAMPALATAYA, 1997. ANG KAMPANARYO ANG TANGING KAKIKITAANG BAHAGI NG LUMANG SIMBAHAN.

Angeles - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Angeles, Pampanga
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 6 February 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANGELES
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

ANG BAYANG ITO, NGAYO'Y LUNGSOD NG ANGELES, PANSAMANTALANG LUMAGI SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, PARTIKULAR SA TAHANAN NI DON FLORENTINO PAMINTUAN, 5 HUNYO 1898, SA KALAPIT NA SIMBAHAN NG STO. ROSARIO ISINAGAWA ANG PAGGUNITA SA UNANG ANIBERSARYO NG PROKLAMASYON NG KALAYAAN NG PILIPINAS, 12 HUNYO 1899, ANG PUNONG HIMPILAN NI AGUINALDO SA MGA PANAHONG ITO AY NASA KATABING BAYAN NG BAMBAN, TARLAC, HANGGANG MANUMBALIK ANG REGULAR NA OPERASYON NG PAMAHALAANG REPUBLIKANO SA TARLAC, TARLAC, 17 HUNYO 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

Pook ng Lazareto de Mariveles*

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Mariveles, Bataan
Category: Buildings/Structures
Type: Hospital
Status: Level I - National Historical Landmark
Legal basis: NHCP Resolution No. _ s. 2023
Marker date: 22 August 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
POOK NG LAZARETO DE MARIVELES

ITINAYO SA BUNGAD NG LOOK NG MAYNILA UPANG PIGILAN ANG PAGLAGANAP NG KOLERA SA MAYNILA, 1882. ISINAAYOS AT NAGTAYO NANG HIGIT NA MATITIBAY NA GUSALING YARI SA KAHOY AT YERO AYON SA DISENYO NI INHENYERO JUAN FERNÁNDEZ SHAW, 1886. NILISAN NG MGA ESPANYOL, 1898; AT KALAUNA'Y INOKUPA NG HUKBONG REBOLUSYONARYO HANGGANG SA PAGDATING NG MGA AMERIKANO, 1900. PINANGASIWAAN NG MARINE HOSPITAL SERVICE NG ESTADOS UNIDOS SA PAMUMUNO NI DOKTOR J.C. PERRY, 4 ENERO 1900. ISINAAYOS SA PAMAMAGITAN NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA; NAGPATAYO NG MGA PANIBAGONG PASILIDAD TULAD NG OSPITAL, MGA KWARTO, PANTALAN, MGA BAHAY-PALIGUAN AT MGA SILID-DETENSYON; AT BINUKSAN BILANG MARIVELES QUARANTINE STATION, 26 SETYEMBRE 1901. ITINAYO ANG DALAWANG PALAPAG NA KONKRETONG GUSALI NA MAY ISTILONG NEO-KLASIKAL AYON SA DISENYO NI ARKITEKTO ANTONIO TOLEDO, NOBYEMBRE 1941. NAWASAK NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1945. KINUMPUNI SA BISA NG PHILIPPINE REHABILITATION ACT OF 1946. DITO ITINATAG ANG NATIONAL MENTAL HOSPITAL EXTENSION SERVICE NANG IPINAGKALOOB NG KAGAWARAN NG KUWARENTENAS ANG PAMAMAHALA SA ILANG EKTARYANG LUPAIN SA ADMINISTRASYON NITO, 1955. PINANGALANANG MARIVELES MENTAL WELLNESS AND GENERAL HOSPITAL, 2019. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 2023.

Ascociacion Filantropica De Los Damas De La Cruz Roja En Filipinas

NHCP Photo Collection 2024

NHCP Photo Collection 2024

NHCP Photo Collection 2024
Location: Bulacan Provincial Capitol grounds, Malolos, Bulacan
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 15 August 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

ASOCIACION FILANTROPICA DE LOS DAMAS DE LA CRUZ ROJA EN FILIPINAS

ITINATAG SA PANAHON NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS SA PAMUMUNO NI HILARIA DEL ROSARIO NA MAYBAHAY NI PANGULONG EMILIO AGUINALDO, SA MALOLOS, BULACAN, 17 PEBRERO 1899. LAYON NITONG ALAGAAN ANG MGA SUGATAN AT MAYSAKIT NA KAWAL NOONG DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO KAAGAPAY ANG HUKBONG SANDATAHAN NG UNANG REPUBLIKA. PINALAWIG ANG KANILANG MGA SANGAY SA IBA’T IBANG BAHAGI NG PILIPINAS. PATUNAY ANG KUMBENSYONG GENEVA NG 1864 NA NAGTATADHANA SA CRUZ ROJA NA MAGKAWANG-GAWA SA GITNA NG DIGMAAN.

Memorare (Hagonoy)

NHCP Photo Collection 2024

NHCP Photo Collection 2024

NHCP Photo Collection 2024
Location: Hagonoy, Bulacan
Category: Sites/Events
Type: Event
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 14 August 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MEMORARE

TUMANGGI ANG MGA PAMAYANAN SA HILAGANG LOOK NG MAYNILA NA MAPAILALIM SA MGA BAGONG DATING NA MANANAKOP NA ESPANYOL SA MAYNILA. ISANG ARMADANG BINUBUO NG 2,000 MANDIRIGMANG MUSLIM BUHAT SA MACABEBE, HAGONOY AT IBA PANG BAHAGI NG PAMPANGA ANG TUMUNGO SA TONDO SA LAYONG PALAYASIN ANG MGA ESPANYOL SA LUZON, 31 MAYO 1571. TUMANGGI ANG PINUNO NG ARMADA MULA SA MACABEBE NGAYO’Y BAHAGI NG PAMPANGA, SA PANUNUHOL NG MGA ESPANYOL AT SA HALIP AY HINAMON SI GOB. HEN. MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI SA ISANG LABANAN SA WAWA NG ILOG BANGKUSAY, TONDO, LOOK NG MAYNILA. DAHIL SA MAKABAGONG SANDATA, NASAWI ANG 300 MANDIRIGMANG KATUTUBO, KABILANG ANG KANILANG PINUNO, 3 HUNYO 1571.

Remedios Gomez-Paraiso

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: Gomez Legacy Park, Mexico, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 July 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
REMEDIOS GOMEZ-PARAISO 

PINUNONG GERILYA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT TAGAPAGSULONG NG KARAPATANG PANGKABABAIHAN. ISINILANG SA ANAO, MEXICO, PAMPANGA, 12 HULYO 1918. AKTIBO SA PAGSULONG NG KARAPATAN NG MGA MAGSASAKA SA GITNANG LUZON. KASAPI NG FRENTE POPULAR, ANAK PAWIS AT AGUMAN DING MALDANG TALAPAGOBRA. LUMABAN SA PANANAKOP NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG BILANG KASAPI NG HUKBO NG BAYAN LABAN SA MGA HAPON (HUKBALAHAP). PINUNO, SQUADRON 3-V NG HUKBALAHAP NA KILALA BILANG “KUMANDER LIWAYWAY.” ISA SA MGA PINUNO NG MGA GERILYA SA LABANAN SA TALAMPAS NG CAMANSI, MAYO 1943. BINIGYANG-DIIN NIYA ANG MAGAGAWA NG KABABAIHANG PILIPINO SA PAKIKIPAGLABAN PARA SA KALAYAAN NG BANSA. ISA SA MGA NAGSULONG NA KILALANIN NG PAMAHALAAN ANG MGA BETERANONG HUK AT ANG KANILANG KONTRIBUSYON MATAPOS ANG DIGMAAN. YUMAO, 15 MAYO 2014.

Kapitolyo ng Tarlac

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Tarlac City, Tarlac
Category: Buildings/Structures
Type: Capitol building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 4 July 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KAPITOLYO NG TARLAC

INILIPAT SA TUKTOK NG BUROL ANG SENTRO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NANG MASUNOG ANG CASA REAL, 1906. SA ILALIM NG PAMUMUNO NI GOBERNADOR MANUEL DE LEON, ITINAYO YARI SA KONGKRETO AT KAHOY AYON SA DISENYO NI ARKITEKTO WILLIAM PARSONS, 1909. ISINAAYOS SA PANGANGASIWA NI ARKITEKTO TOMAS MAPUA, 1927. SINAKOP AT NAGING HIMPILAN NG MGA SUNDALONG HAPON; AT NAWASAK NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. MULING ISINAAYOS SA BISA NG PHILIPPINE REHABILITATION ACT OF 1946, 1950. ITINAYO ANG ANNEX BUILDING, DEKADA 1950. MULING ISINAAYOS, 1989; AT NOONG 2023 BILANG PAGGUNITA SA IKA-150 ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG LALAWIGAN NG TARLAC.

Tarlac - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Tarlac State University, Tarlac City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date:  21 June 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

TARLAC
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SAKSI ANG POOK NA ITO SA PAGKABANSA NG PILIPINAS, ANG KAUNA-UNAHANG REPUBLIKA SA BUONG ASYA. ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

Bamban - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Bamban, Tarlac
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date:  4 July 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

BAMBAN
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SAKSI ANG POOK NA ITO SA PAGKABANSA NG PILIPINAS, ANG KAUNA-UNAHANG REPUBLIKA SA BUONG ASYA. ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

Katedral ng Cabanatuan

© Patrickroque01/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

NHCP Photo Collection, 2024

© Ryomaandres/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Cabanatuan City, Nueva Ecija
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 14 June 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KATEDRAL NG CABANATUAN

ITINATAG NG MGA AGUSTINO BILANG VISITA NG GAPAN BAGO NAHIWALAY BILANG SARILING PUEBLO, 1700. IPINATAYO ANG SIMBAHANG GAWA SA BATO AT ANG KUMBENTO SA PAMUMUNO NI PADRE JOSE FUENTE, O.S.A., 1866. NASIRA NOONG LINDOL SA LUZON, HULYO 1880. MULING IPINATAYO ANG SIMBAHAN AT ANG TATLONG PASILYO, AT ANG KUMBENTO SA PAMUMUNO NI PADRE MARIANO RIVAS, O.S.A., 1891. NAGSILBING TANGGAPAN NG PANGULO ANG KUMBENTO NANG ILIPAT ANG KABISERA NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS SA CABANATUAN, MAYO 1899. PINASLANG NG BATALYONG KAWIT SINA HENERAL ANTONIO LUNA AT KORONEL FRANCISCO ROMAN SA PLAZA SA HARAP NG KUMBENTO, 5 HUNYO 1899. NASUNOG ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO, 1934. MULING IPINATAYO BAGO MAGSIMULA ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. NAGING KATEDRAL MATAPOS ITATAG ANG DIYOSESIS NG CABANATUAN, 16 PEBRERO 1963. MULING NASUNOG ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO, KASAMA ANG PAARALAN, 1972. MULING IPINATAYO SA ILALIM NG PAMUMUNO NI OBISPO VICENTE REYES, OBISPO NG CABANATUAN, AT BRUNO TORPIGLIANI, APOSTOLIC NUNCIO SA PILIPINAS, 1975.

Cabanatuan - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Cabanatuan City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date:  14 June 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

CABANATUAN
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SAKSI ANG POOK NA ITO SA PAGKABANSA NG PILIPINAS, ANG KAUNA-UNAHANG REPUBLIKA SA BUONG ASYA. ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

Sa Alaala Ng Mga Nasawi Sa Pagsunog Sa Macabebe

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: Macabebe, Pampanga
Category: Sites/Events
Type: Event
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 27 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SA ALAALA NG MGA NASAWI
SA PAGSUNOG NG MACABEBE

IUPANG MAANTALA ANG PAG-ABANTE NG HUKBONG AMERIKANO SA PAMAMAGITAN NG ILOG PAMPANGA, SINUNOG NG MGA SUNDALO NG UNANG REPUBLIKA ANG SIMBAHAN NG MACABEBE, PAMPANGA, 27 ABRIL 1899. ILANG MGA TAGA-MACABEBE ANG KASAMANG SINUNOG NG BUHAY SA LOOB NG SIMBAHAN. ANG PANGYAYARING TULAD NITO ANG NAGBUNSOD SA POOT NG MGA TAGA-MACABEBE UPANG SUMUPORTA SILA SA KAMPANYA NG AMERIKA LABAN SA UNANG REPUBLIKA AT KALAUNA'Y KINASANGKAPAN SILA UPANG DAKPIN SI PANGULONG EMILIO AGUINALDO SA PALANAN, ISABELA, 23 MARSO 1901.

Arayat - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Arayat, Pampanga
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date: 11 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

ARAYAT
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SA BAYANG ITO KINANLONG ANG MGA OPISYAL NG PAMAHALAANG SENTRAL NI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, HABANG PATUNGO SA SAN ISIDRO, NUEVA ECIJA, KABISERA NG REPUBLIKA MULA SA MALOLOS, BULACAN, 29-30 MARSO 1899. ITO AY UPANG ILAYO ANG PAMAHALAANG SENTRAL MULA SA PAG-ABANTE NG HUKBONG AMERIKANO PATUNGONG MALOLOS. NILISAN ANG ARAYAT PARA SA SAN ISIDRO, 30 MARSO 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

Bahay Ni Crispulo Sideco

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: San Isidro, Nueva Ecija
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level I - National Historical Landmark
Legal basis: NHCP Resolution No. 5 s. 2024
Marker date: 5 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BAHAY NI CRISPULO SIDECO

ITINAYO NOONG HULING BAHAGI NG IKALABINSIYAM NA DANTAON. NAGSILBING TAHANAN AT PRESIDENCIA NI PANGULONG EMILIO AGUINALDO NANG ILIPAT SA SAN ISIDRO, NUEVA ECIJA MULA MALOLOS, BULACAN ANG KABISERA NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 29 MARSO 1899. NAGING HIMPILAN NG MGA SUNDALONG AMERIKANO NANG TULUYANG MAKUBKOB ANG BAYAN NG SAN ISIDRO, 17 MAYO 1899. DITO MASUSING PINAGPLANUHAN NI KORONEL FREDERICK FUNSTON ANG PAGDAKIP KAY AGUINALDO NANG SUMUKO ANG PINAGKAKATIWALAAN NIYANG MENSAHERONG SI CECILIO SEGISMUNDO, 1901. GINAWANG KUWARTEL NG MGA SUNDALONG HAPON AT KALAUNAN, NAKALIGTAS SA IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN SA BISA NG RESOLUSYON BILANG 5 NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 29 ENERO 2024.

San Isidro - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: Sideco House, San Isidro, Nueva Ecija
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date:  5 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

SAN ISIDRO
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SAKSI ANG POOK NA ITO SA PAGKABANSA NG PILIPINAS, ANG KAUNA-UNAHANG REPUBLIKA SA BUONG ASYA. ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

San Fernando - Landas Ng Pagkabansang Pilipino, 1898-1899


NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: San Fernando, Pampanga
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date: 1 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

SAN FERNANDO
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1898-1899

SA SAN FERNANDO, PAMPANGA PANSAMANTALANG LUMAGI SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG PAMAHALAANG SENTRAL HABANG PATUNGO SA SAN ISIDRO, NUEVA ECIJA, KABISERA NG REPUBLIKA MULA SA MALOLOS, BULACAN, 28-29 MARSO 1899. ITO AY UPANG ILAYO ANG PAMAHALAANG SENTRAL MULA SA PAG-ABANTE NG HUKBONG AMERIKANO PATUNGONG MALOLOS. NILISAN ANG SAN FERNANDO PARA TUMUNGO SA ARAYAT, PAMPANGA, 29 MARSO, 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.