Zoilo J. Hilario y Sangalang 1892–1963

NHCP Photo Collection, 2023
NHCP Photo Collection, 2023

Location: Pampanga Provincial Capitol, Capitol Boulevard, San Fernando, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ZOILO J. HILARIO Y SANGALANG 
1892–1963

MAMBABATAS, MAKATA AT TAGAPAGTAGUYOD NG KAGALINGANG PANLIPUNAN. IPINANGANAK SA SAN JUAN, SAN FERNANDO, PAMPANGA, 27 HUNYO 1892. NAG-ARAL PARA SA TITULONG BATSILYER SA SINING, LICEO DE MANILA, AT BATSILYER SA BATAS, ESCUELA DE DERECHO. MAKATANG LAUREADO SA KASTILA SA KANYANG TULANG “ALMA ESPAÑOLA”, 1917; AT MAKATANG LAUREADO SA WIKANG PAMPANGO SA KANYANG TULANG “ING BABAI”, 1918. NAGLATHALA NG MGA AKLAT NG TULA: ADELFAS, PATRIA Y REDENCION, HIMNOS Y ARENGAS AT BAYUNG SUNIS. MAY-AKDA: ILUSTRES VARONES FILIPINOS AT NG UNANG “TENANCY LAW”, 1932. KAGAWAD: PHILIPPINES HISTORICAL COMMITTEE AT INSTITUTE OF NATIONAL LANGUAGE. NAGHARAP NG PINAKAMARAMING BILANG NG MGA PANUKALANG BATAS NA PINAGTIBAY NG LAHISLATURA NG PILIPINAS, 1931–1934. HINIRANG NA ISA SA SAMPUNG KATANGI-TANGING MABABATAS, 1933, AT HUKOM NG UNANG DULUNGAN, 1951. NAMATAY, 13 HUNYO 1963.

No comments:

Post a Comment