Koronel Pastor C. Martelino

Location: Camp Pastor Martelino, New Buswang Road, Kalibo, Aklan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: November 3, 2006
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KORONEL PASTOR C. MARTELINO

ISINILANG SA KALIBO, AKLAN, 8 AGOSTO 1896. NAGTAPOS SA AKADEMYA MILITAR, WEST POINT AT SUMAPI SA PHILIPPINE SCOUTS BILANG 2ND LT., 1920. ITINAAS SA 1ST LT., 1921. NAGING KAPITAN, 1935. ITINALAGA SA HUKBONG FILIPINO AT HINIRANG NA UNANG FILIPINONG PATNUGOT NG PHILIPPINE MILITARY ACADEMY, 1936. PANGALAWANG HEPE NG ESTADO MAYOR, G-3, DIBISYON NG PAGSASANAY AT PAGKILOS, PANGKALAHATANG SENTRAL NA ESTADO, HUKBONG FILIPINO, 1940. HEPE NG ESTADO MAYOR, 31ST DIVISION, PHILIPPINE ARMY. KASAPI NG COAST ARTILLERY CORPS, 1941. BILANG KASAPI NG USAFFE, LUMABAN SA PAGTATANGGOL SA BATAAN; NAKASAMA SA DEATH MARCH, AT NAKATAKAS. SUMAPI SA KILUSANG GERILYA LABAN SA HAPON SA MAYNILA, 1942. NABIHAG NG MGA HAPON AT PINAHIRAPAN SA KUTA NG SANTIAGO, 1944. BINITAY, 8 ENERO 1945. GINAWARAN NG POSTHUMOUS DISTINGUISHED CONDUCT STAR.

No comments:

Post a Comment