Basilika ng Tayabas

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Basilica Road, Barangay IV, Tayabas City, Quezon
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 October 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BASILIKA NG TAYABAS

ITINATAG NG MGA MISYONERONG PRANSISKANO, 1585. IPINASAAYOS ANG UNANG ISTRUKTURA SA ILALIM NI SAN PEDRO BAUTISTA, 1590. IPINATAYO ANG SIMBAHANG YARI SA BATO AT TISA NA INIALAY SA PATRONATO NI SAN MIGUEL ARKANGHEL, 1600; AT ANG KUMBENTO NA MAY TRONERAS BILANG TUGON SA MGA PANGANGAYAW, 1649. PANSAMANTALANG PINAGLAGAKAN NG LIMBAGAN NG MGA PRANSISKANO, 1703. MULING ITINAYO MATAPOS MAPINSALA NG LINDOL, 1743; PINALAKI AT DUMAAN SA MARAMING PAGSASAAYOS MULA IKA-17 HANGGANG IKA-18 DANTAON. ISA SA LIMANG GUSALING NAGING KUTA NG MGA KASTILA NOONG HIMAGSIKANG PILIPINO. ITINAAS DITO ANG BANDILA NG PILIPINAS MATAPOS SUMUKO SINA GOBERNADOR JOAQUIN PACHECO, 20 OPISYAL AT 175 SUNDALO SA PUWERSA NINA HENERAL MIGUEL MALVAR, ELEUTERIO MARASIGAN AT VICENTE LUKBAN NA NANGUNA SA PAGKUBKOB SA TAYABAS NA TUMAGAL NANG 50 ARAW, 13 AGOSTO 1898. NASIRA ANG KUMBENTONG NAGING HIMPILAN NG MGA HAPON HABANG NAKALIGTAS NAMAN ANG SIMBAHAN SA PINSALA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. UNANG PINAGKALOOBAN NG PANANDANG PANGKASAYSAYAN NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN, 1978 AT ISINAAYOS, 1984. HINIRANG BILANG BASILIKA MENOR NI PAPA JUAN PABLO II, 1988. IDINEKLARANG PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2001.

No comments:

Post a Comment