Mayoyao - Landas Ng Pagkabansang Pilipino, 1900

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Mayoyao, Ifugao
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 8 October 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MAYOYAO
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1900

SA POOK NA ITO, NGAYO’Y BAYAN NG MAYOYAO, IFUGAO, LUMAGI SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG KANIYANG HUKBO HABANG IPINAGTATANGGOL ANG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG MGA PILIPINO, 1-3 ENERO 1900. DITO SILA KUMAIN AT NAGPAHINGA MATAPOS SILANG MAMATAAN NG PUWERSANG AMERIKANO SA KABUNDUKAN. NILISAN UPANG MAGTUNGO SA ISABELA KUNG SAAN IPAGPAPATULOY ANG PAG-IRAL NG PAMAHALAANG PILIPINO, 3 ENERO 1900. BILANG PAGKILALA SA AMBAG NG IFUGAO SA PAGPAPALAWIG SA BUHAY NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, ITINATAG MULA SA ILANG BARANGAY NG MAYOYAO ANG BAYAN NG AGUINALDO, IFUGAO SA BISA NG BATAS PAMBANSA BLG. 86, 20 SETYEMBRE 1980.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

No comments:

Post a Comment