Davao City Hall



NHCP Photo Collection, 2017
NHCP Photo Collection, 2017

Location: Davao City
Category: Building
Type: Government Center
Status: Level II - With Marker
Marker Date: 2012
Marker text:
DAVAO CITY HALL

IPINATAYO BILANG GUSALING MUNISIPAL NG DAVAO, 1926. NILAGDAAN NI PANGULONG MANUEL L. QUEZON ANG COMMONWEALTH ACT NO. 51 NA BUMUO SA KARTA NG LUNGSOD NG DAVAO, 16 OKTUBRE 1936. PINASINAYAAN NI KALIHIM ELPIDIO QUIRINO ANG KARTA SA HARAPAN NG GUSALI, 1 MARSO 1937. NASIRA NONG PANAHON NG DIGMAAN, 1945. MULING IPINATAYO AYON SA ORIHINAL NA DISENYO, 1947. SENTRO NG PAMAHALAAN SA PAGTAGUYOD NG DAVAO BILANG PANGUNAHING LUNGSOD SA SILANGANG BAHAGI NG MINDANAO NOONG PANAHON NG MGA AMERIKANO.

St. Agnes' Academy



Location: Rizal St. Legazpi City (Region V)
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2012
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ST. AGNES’ ACADEMY

ITINATAG BILANG PAARALANG PAMPRIMARYA NG MISSIONARY BENEDICTINE SISTERS NG TUTZING, GERMANY, 1 HULYO 1912. PINANGALANANG ACADEMIA DE STA. INES SA PATRONATO NI ST. AGNES NG ROMA. BINUKSAN ANG PAARALANG PANSEKUNDARYA, HUNYO 1917. PANSAMANTALANG ISINARA, OKTUBRE 1918. INILIPAT SA KASALUKUYANG POOK, 1920. PINASINAYAAN, 22 PEBRERO 1921. MULING BINUKSAN, HUNYO 1921. GINAMIT NA PAGAMUTAN AT KANLUNGAN NG MGA MAMAMAYAN NG LEGAZPI, ABRIL 1–28, 1945. NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IPINATAYO ANG IBANG BAHAGI NG PAARALAN, 1946. TUMANGGAP NG MGA MAG-AARAL NA LALAKI SA SEKUNDARYA, 1983.

Bulacan Military Area


Location: Bustos, Bulacan
Category: Sites/Events
Type: Military Camp
Status: Level II - Historical marker
Marker date: August 2, 2012
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BULACAN MILITARY AREA

BINUO SA ILALIM NG EAST CENTRAL LUZON GUERILLA AREA (ECLGA) ANG BULACAN MILITARY DISTRICT MULA SA APAT NA REHIMENTO NG PUWERSANG GERILYA NA KUMAKATAWAN SA LALAWIGAN NG BULACAN SA UTOS NI MAJ. EDWIN P. RAMSEY, 14 SETYEMBRE 1943. CAPT. ALEJO S. SANTOS, DISTRICT COMMANDER. PINANGALANANG BULACAN MILITARY AREA NI CAPT. BERNARD L. ANDERSON NG USAFFE LUZON GUERILLA ARMED FORCES, 21 DISYEMBRE 1943. ANG APAT NA REHIMENTO NG BMA AY NAGING SAMPUNG REHIMENTO, 1944. TUMULONG SA PAKIKIPAGLABAN SA PUWERSANG HAPON SA MGA LALAWIGAN NG NUEVA VIZCAYA, PANGASINAN, PAMPANGA, IFUGAO, AT RIZAL. NAKIPAGLABAN SA MGA HAPONES HANGGANG MAPALAYA SA MGA HAPON ANG LALAWIGAN NG BULACAN, HULYO 1945.

Kalye Mendiola

NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Photo Collection, 2013
Location: Mendiola Street, San Miguel, Manila (Region NCR)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 21 September 2012
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KALYE MENDIOLA

IPINANGALAN KAY ENRIQUE MENDIOLA, ABOGADO’T EDUKADOR, ITINALAGANG DIREKTOR NG INSTITUTO BURGOS, SEKUNDARYANG PAARALAN NG REPUBLIKANG MALOLOS. NAGING SIMBOLO NG KILUSANG PROTESTA LABAN SA PANINIIL SA IBA’T-IBANG PANAHON NG KASAYSAYANG PANGKASALUKUYAN, PINAKATAMPOK ANG LABANAN SA MENDIOLA, 30 ENERO 1970, AT ANG PAGLABAN SA BATAS MILITAR, 1972–1986, NA KARANIWANG BINUWAG NG BOMBA NG TUBIG AT TEAR GAS. SINARHAN SA ILALIM NG BATAS MILITAR. NABUKSAN NG PAG-AALSA NG MAMAMAYAN, BINAKLAS ANG TINIKANG KAWAD, 25 FEBRERO 1986. NANANATILING LANSANGAN NG PROTESTANG BAYAN.


De La Salle University–Manila


NHCP Photo Collection 2018

NHCP Photo Collection

Location: Taft Avenue, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures, Association/Institution/Organization
Type: School, Centenary marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: June 13, 2012
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
DE LA SALLE UNIVERSITY–MANILA

ITINATAG SA DAANG NOZALEDA, PACO, MAYNILA NG DE LA SALLE BROTHERS KAALINSUNOD SA ADHIKAIN NI ST. JOHN BAPTIST DE LA SALLE UPANG MAKATULONG SA EDUKASYON NG MGA KABATAAN, 1911. BR. BLIMOND PIERRE, FSC, UNANG DIREKTOR. NAGGAWAD NG UNANG KOMERSYAL NA DIPLOMA SA HAYSKUL, 1915 AT BINIGYANG KARAPATANG MAGKALOOB NG ANTAS NA ASSOCIATE IN ARTS, 1917. LUMIPAT SA TAFT AVENUE, MAYNILA, 1921. GINAMIT NA HIMPILAN NG MGA HAPONES (1942–1945); AT DITO MARAHAS NA PINASLANG ANG MAY ILANG BROTHERS AT SIBILYAN. NAGING UNIBERSIDAD, 1975.

INILAGAY ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO SA PAGDIRIWANG NG IKA-100 TAONG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG DE LA SALLE UNIVERSITY.

Jose Rizal (1861-1896)


NHCP Photo Collection, 2012

NHCP Photo Collection, 2012

Location: Rizal Provincial Capitol, Sen. L. Sumulong Memorial Circle cor. P. Oliveros Street, Brgy. San Roque, Antipolo, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 4 July 2012
Marker text:
JOSE RIZAL (1861–1896)

PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS. DOKTOR, AGRIMENSOR, DALUBWIKA, MANUNULAT, MAKATA, ESKULTOR AT PINTOR. ISINILANG SA CALAMBA, LAGUNA, 19 HUNYO 1861. MAY-AKDA NG NOLI ME TANGERE (1887) AT EL FILIBUSTERISMO (1891), MGA NOBELANG HIGIT PANG NAGPAALAB SA MGA FILIPINO NA MAGHIMAGSIK LABAN SA ESPANYA. DINAKIP AT IPINATAPON SA DAPITAN, MINDANAO, 6 HULYO 1892. NAGBOLUNTARYO BILANG MANGGAGAMOT NG PUWERSANG ESPANYOL SA CUBA, 1896, NGUNI’T MULING DINAKIP HABANG PATUNGONG ESPANYA SA BINTANG REBELYON. BINARIL SA BAGUMBAYAN (NGAYO’Y RIZAL PARK), MAYNILA, 30 DISYEMBRE 1896. IPINANGALAN SA KANYA ANG BAGONG TATAG NA LALAWIGANG RIZAL, SA BISA NG PHILIPPINE COMMISSION ACT BLG. 137, 11 HUNYO 1901. PATULOY NA INSPIRASYON PARA SA KALAYAN AT PAGKABANSANG FILIPINO.

Ang Dambana ni Melchora (Tandang Sora) Aquino (6 Enero 1812-19 Pebrero 1919)*


Location: Bo. Banlat, Quezon City (Region NCR)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level I- National Shrine
Marker date: March 3, 2012
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANG DAMBANA NI MELCHORA (TANDANG SORA) AQUINO
(6 ENERO 1812–19 PEBRERO 1919)

DITO INILIPAT ANG MGA LABI NI MELCHORA AQUINO MULA SA HIMLAYANG PILIPINO BILANG PAGGUNITA SA IKA-200 TAONG ANIBERSARYO NG KANYANG KAPANGANAKAN, 6 ENERO 2012. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG DAMBANA SA BISA NG NHCP BOARD RESOLUTION BLG. 4, 24 ENERO 2012.

Simbahan ng Caraga




Location: Caraga, Davao Oriental
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 16, 2012
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG CARAGA

IPINATAYO NI PADRE PABLO PASTELLS, S.J. KAAGAPAY SI PADRE JUAN TERRICABRAS, S.J. YARI SA KAHOY, KORALES AT BATO, 1877. NATAPOS ANG SIMBAHAN AT NAGING PAROKYA SA PATRONATO NI SAN JUAN SAVADOR DEL MUNDI,1884. NAGSILBING SENTRO NG MISYON NG MGA HESWITA SA PAGTATAG NG MGA PUEBLO AT PAGPALAGANAP NG EBANGHELYO SA SILANGANG BAHAGI NG MINDANAO NOONG PANAHON NG MGA ESPANYO. IPINAMAHALA SA MGA PARI NG FOREIGN MISSION OF QUEBEC, 1939, MARYKNOLL MISSIONER,1961;DIYOSESIS NG TAGUM,1978; AT DIYOSESIS NG MATI, 1984.

Labanan sa Legazpi


Location: Legazpi City, Albay (Region V)
Category: Site/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker

Marker date: 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA LEGAZPI

SA BAYANG ITO, NOONG ENERO 23, 1900, BUONG GITING NA NAKIPAGLABAN SA MGA SUNDALONG AMERIKANO NG IKATLONG BATALYON NG IKA-47 IMPANTERYA, MGA BOLUNTARYO NG E.U. NA PINAMUMUNUAN NI BRIG. HEN. WILLIAM A. KOBIE, ANG HUMIGIT-KUMULANG NA 800 MANGHIHIMAGSIK NA PILIPINO SA PAMUMUNO NI KOM. ANTONIO REYES. ANG PAMBOBOMBA SA TRINTSERA NG NAGTATANGGOL NA MGA PILIPINO SA BAYBAYIN NG LEGAZPI ANG SAPILITANG NAGPAURONG SA KANILA SA NOON AY TULAY NG SAN RAFAEL. DITO SILA BUONG TAPANG NA NAKIPAGLABAN NANG DIKITAN (MANO-MANO) SA TUMUTUGIS NA MGA AMERIKANO. MAY MGA 200 NAGTATANGGOL, KABILANG NA SI KOM. REYES, ANG BUONG KABAYANIHANG NASAWI SA LABANANG ITO.

Ermita de Porta Baga

© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
Location: Samonte Park, Judge Ibañez Street, San Roque, Cavite City, Cavite
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: November 17,1991
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ERMITA DE PORTA VAGA

DATING KAPILYA SA KAHOY PARA SA NUESTRA SEÑORA DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA NOONG MGA TAONG 1667. OPISYAL NA INILUKLOK , ABRIL 12, 1692. PAGKARAAN NG MARAMING TAON PAGKUKUMPUNI AT MULING PAGSASAAYOS, ISANG  SIMBAHANG YARI SA BATO ANG ITINAYO NOONG 1787, MULING IPINAGAWA NANG TAON ING, IYO 1880, PINAGANDA NI P.PEDRO LARENA,1932. GANAP NA NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAAN PANDAIGDIG KUNG KAYAT ANG ITINATANGING IMAHEN NG VIRGEN DE LA SOLEDAD DE PORTA VAGA PINAKAMATANDANG NAITALANG PINTA NG BIRHEN MARIA SA PILIPINAS, AY INILIPAT SA SIMBAHAN NG SAN ROQUE, CAVITE,1945.

Nuestra Señora De La Paz y Buen Viaje


NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019
Location: Antipolo, Rizal (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II: Historical marker
Marker date:1937
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
NUESTRA  SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE

THE STATUE OF NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUENVIAJE WAS BROUGHT FROM MEXICO TO MANILA BY GOVERNOR JUAN NIÑO DE TAVERA IN 1962 AND AT HIS DEATH IN 1632 WAS TURNED OVER TO THE JESUITS FOR THE CHURCH OF ANTIPOLO.  NUESTRA  SEÑORA DE LA PAZ Y BUENVIAJE WAS PROCLAIMED PATRONESS OF THE GALLEONS. THE STATUE CROSSED THE PACIFIC AND RETURNED EIGHT TIMES ON BOARD THE GALLEONS OF ACAPULCO IN 1641,1643,1645,1646 ON THE SAN LUIS; 1648-1649 ON THE ENCARNACION;IN 1650 ON THE SAN DIEGO; IN 1651-1653 ON THE SAN JAVIER; IN 1659-1662 ONT THE SAN JOSE AND IN 1746-1748 ON THE NUESTRA SEÑORA DEL PILAR. THE STATUE OF NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUENVIAJE WAS CANONICALLY CROWNED ON NOVEMBER 26,1926, BY THE MOST REV. MICHAEL JO'DOHERTY, ARCHBISHOP OF MANILA, ON THE LUNETA, MANILA IN THE PRESENCE OF AT LEAST ONE HUNDRED THOUSAND PEOPLE.