Location: Pampanga Provincial Capitol, Capitol Boulevard, San Fernando, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
DIOSDADO MACAPAGAL
(1910–1997)
IKA-9 NA PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1961–1965. ISINILANG SA SAN NICOLAS, LUBAO, PILIPINAS, 28 SETYEMBRE 1910. NAGTAPOS NG ASSOCIATE IN ARTS SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1932, ABOGASYA (1936), MASTER OF LAWS (1941), DOCTOR OF CIVIL LAW (1947); AT DOCTOR OF ECONOMICS (1957) SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS. UNANG PANGULO NG PHILIPPINE LAWYERS ASSOCIATION, 1947. KINATAWAN NG UNANG DISTRITO NG PAMPANGA SA PANGALAWA AT PANGATLONG KONGRESO NG PILIPINAS, 1949–1957; MAY AKDA NG FOREIGN SERVICE ACT NG 1952. PANGALAWANG PANGULO NG PILIPINAS, 1957–1961; PANGULO NG LIBERAL PARTY, 1958–1961; 1964–1966. ITINAKDA ANG PAGDIRIWANG NG ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS TUWING IKA-12 NG HUNYO, 1964. NAGPASIMULA NG PAGTATATAG NG MAPHILINDO UPANG PALAKASIN ANG UGNAYAN NG MALAYSIA, PHILIPPINES AT INDONESIA, 1963; NILAGDAAN ANG AGRICULTURAL LAND REFORM CODE, 1963. PANGULO NG 1971 CONSTITUTIONAL CONVENTION. AMA NI GLORIA MACAPAGAL ARROYO, IKA-14 NA PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS (2004–2010). YUMAO, 21 ABRIL 1997.
No comments:
Post a Comment