NHCP Photo Collection, 2023
NHCP Photo Collection, 2023
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MAXIMINO H. HIZON
(1870–1901)
HENERAL NG HIMAGSIKAN, KAGAWAD NG KONGRESO NG MALOLOS AT MAKABAYAN. IPINANGANAK SA PARIAN, MEXICO, PAMPANGA NOONG MAYO 9, 1870. UMANIB SA KATIPUNAN, 1896. DINAKIP AT IPINATAPON SA JOLO NANG MATUKLASAN ANG LIHIM NA SAMAHAN NOONG AGOSTO 19, 1896. PINALAYA PAGKARAANG LAGDAAN ANG KASUNDUAN SA BIAK-NA-BATO. HINIRANG NA KOMANDANTE HENERAL NG PAMPANGA AT PAGKARAAN BRIGADYER HENERAL, 1898. HINIRANG NA KINATAWAN NG LALAWIGAN NG SORSOGON SA KONGRESO NG MALOLOS. NAGING KILALA SA MADUGONG LABANAN SA CALOOCAN NOONG PEBRERO 23, 1899, AT SA MGA PAGSALAKAY SA MGA PANGKAT NG AMERIKANO HINDI LAMANG SA PAMPANGA KUNGDI SA BATAAN, ZAMBALES, TARLAC AT PANGASINAN. NASUGATAN SA LABANAN SA DUMANDAN. MALAPIT SA PORAC NOONG ENERO 17, 1900, NABIHAG SA SAN JOSE, MALINO, MEXICO NOONG HUNYO 19, 1900. IPINATAPON SA GUAM NA POOK NA NA KANYANG KINAMATAYAN NOONG SETYEMBRE 1, 1901.
No comments:
Post a Comment