Felipe Calderon (Manila)



Location: Plaza Calderon, Pedro Gil Street, Sta. Ana, Manila (Region NCR)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker

Marker date: 1954
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
FELIPE G. CALDERON

PEDAGOGUE, LAWYER, WRITER, SCHOLAR AND PATRIOT. DRAFTED THE CONSTITUTION OF THE FIRST PHILIPPINE REPUBLIC. FOUNDER OF THE COLEGIO DE ABOGADOS DE FILIPINAS AND THE ESCUELA DE DERECHO DE MANILA, 1899. FIRST PRESIDENT, ASOCIACION DE TAGALISTAS, 1904. ORGANIZER, ASOCIACION HISTORICA DE FILIPINAS, 1905. SON OF JOSE GONZALES CALDERON AND MANUELA ROCA BORN 4 APRIL 1868 IN (SANTA CRUZ DE MALABON) TANZA, CAVITE. LIVED IN THE DISTRICT OF SANTA ANA. DIED 6 JUNE 1908.

Heneral Jose Ignacio Paua - Heneral na Tsino sa Himagsikang Pilipino



Location: Legazpi City, Albay (Region V)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker

Marker date: July 12, 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HENERAL JOSE IGNACIO PAUA 
HENERAL NA TSINO SA HIMAGSIKANG PILIPINO

IPINANGANAK SA NAYON NG LAONA, LAMMUA, FOOKIEN, TSINA NOONG ABRIL 29, 1872. DUMATING SA PILIPINAS NOONG 1890. LUMAHOK SA HIMAGSIKANG PILIPINO. INATASAN NI HENERAL EMILIO AGUINALDO SA PAGTATATAG AT PAMAMAHALA NG ISANG ARSENAL AT PAGAWAAN NG ARMAS SA IMUS. BUONG GITING NA NAKIPAGLABAN SA IBA’T IBANG LABANAN SA CAVITE, BULACAN, PAMPANGA, PANGASINAN AT TARLAC. TANGING TSINO NA LUMAGDA SA KONSTITUSYON NG BIYAK-NA-BATO, 1897. ITINALAGANG MANGILAK NG PONDO SA KABIKULAN NOONG DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO. NAKULONG SA KUTANG SANTIAGO. PINALAYA NOONG HUNYO 21, 1900. NANIRAHAN SA MANITO, ALBAY, KUNG SAAN NAHALAL BILANG PRESIDENTE MUNICIPAL. NAMATAY NOONG MAYO 24, 1926.

Simeon Arboleda Ola (1865-1952)


Location: Guinobatan, Albay (Region V)
Category: Personages
Type:Biographical marker
Status: Level II - Hisotrical marker

Marker date: September 25, 2003
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMEON ARBOLEDA OLA
(1865-1952)

HENERAL NG I-IIMAGSIKANG PILIPINO AT DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO SA LALAWIGAN NG ALBAY. IPINANGANAK SA GUINOBATAN, ALBAY, 2 SETYEMBRE 1865. HINATULAN NG PAMAHALAANG KOLONYAL NG AMERIKA NG 30 TAONG PAGKABILANGGO SA SALANG SEDISYON. GINAWARAN NG KAPATAWARAN, 8 OKTUBRE 1904. PRESIDENTE MUNICIPAL NG GUINOBATAN, 1910-1919. YUMAO, 14 PEBRERO, 1952.

Melchora Aquino (Tandang Sora)


Location: Banlat, Quezon City (Region NCR)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MELCHORA AQUINO
(TANDANG SORA)

ISINILANG SA BARYO BANLAT, KALOOKAN NGAYO’Y BANLAT, LUNGSOD QUEZON, 6 ENERO 1812. TINAGURIANG INA NG HIMAGSIKAN DAHIL SA PAGTULONG SA MGA KATIPUNERO NA PINAMUMUNUAN NI GAT ANDRES BONIFACIO SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPAKAIN AT PAG-AALAGA SA MGA SUGATAN. DINAKIP NG MGA ESPANYOL AT IPINATAPON SA GUAM, 1896. PINALAYA NG MGA AMERIKANO AT NAGBALIK SA PILIPINAS, 1903. YUMAO, 19 PEBRERO 1919 AT INILIBING SA MAUSOLEO DE LOS VETERANOS DE LA REVOLUCION, MANILA NORTH CEMETERY. INILIPAT ANG MGA LABI SA HIMLAYANG PILIPINO, 6 ENERO 1970.

Pantaleon Villegas "Leon Kilat" (1873-1898), Carcar



Location: Carcar, Cebu (Region VII)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker

Marker date: 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PANTALEON VILLEGAS
“LEON KILAT”
(1873–1898)

ISINILANG SA BACONG, NEGROS ORIENTAL, 27 HULYO 1873. SUMANIB SA KATIPUNAN HABANG NASA MAYNILA MATAPOS PASLANGIN ANG MGA MANDARAGAT MULA SA KABISAYAAN SA CALLE CAMBA, BINONDO, SETYEMBRE 1896. DINAKIP AT IKINULONG NG MGA ESPANYOL, NAKATAKAS AT SUMANIB SA PUWERSANG REBOLUSYONARYO SA CAVITE, 1897. INATASAN NI HEN. EMILIO AGUINALDO NA PALAWAKIN ANG KILUSANG REBOLUSYONARYO SA CEBU, 1897. PINAMUNUAN ANG PAG-AALSA NG TRES DE ABRIL SA LUNGSOD NG CEBU, 1898. PINASLANG SA CARCAR, CEBU, 8 ABRIL 1898. IBINALIK ANG MGA LABI SA BAYAN NG BACONG, NEGROS ORIENTAL, 2 AGOSTO 1926.

Pantaleon Villegas "Leon Kilat" (1873-1898), Bacong

NHCP Photo Collection, 2016

NHCP Photo Collection, 2016

NHCP Photo Collection, 2016
Location: Dumaguete South Road, Bacong, Negros Oriental
Category: Personages

Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PANTALEON VILLEGAS 
“LEON KILAT”
(1873–1898)

ISINILANG SA BACONG, NEGROS ORIENTAL, 27 HULYO 1873. SUMANIB SA KATIPUNAN HABANG NASA MAYNILA MATAPOS PASLANGIN ANG MGA MANDARAGAT MULA SA KABISAYAAN SA CALLE CAMBA, BINONDO, SETYEMBRE 1896. DINAKIP AT IKINULONG NG MGA ESPANYOL, NAKATAKAS AT SUMANIB SA PUWERSANG REBOLUSYONARYO SA CAVITE, 1897. INATASAN NI HEN. EMILIO AGUINALDO NA PALAWAKIN ANG KILUSANG REBOLUSYONARYO SA CEBU, 1897. PINAMUNUAN ANG PAG-AALSA NG TRES DE ABRIL SA LUNGSOD NG CEBU, 1898. PINASLANG SA CARCAR, CEBU, 8 ABRIL 1898. IBINALIK ANG MGA LABI SA BAYAN NG BACONG, NEGROS ORIENTAL, 2 AGOSTO 1926.

Monumento Sa Mga Bayani Ng 1896


New marker, 2011

Contributed by Kjerrymer Andres
Location: Diliman, Quezon City (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: Monument
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2011
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MONUMENTO SA MGA BAYANI NG 1896

ITINAYO SA BALINTAWAK, NOO’Y SAKOP NG KALOOKAN, 27 AGOSTO 1911, BILANG PAG-ALAALA SA MGA BAYANI NG HIMAGSIKANG FILIPINO NG 1896. NILIKHA NI RAMON MARTINEZ Y LAZARO. PINASINAYAAN, 3 SETYEMBRE 1911. INILIPAT SA BULWAGANG VINZONS, UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, DILIMAN, LUNGSOD QUEZON, 29 NOBYEMBRE 1968.

Simbahan ng Balayan



Location: Balayan, Batangas (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 9 December 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG BALAYAN

UNANG IPINATAYONG YARI SA MAHIHINANG KAGAMITAN NG MGA PARING PRANSISKANO SA ILALIM NG PAMAMAHALA NI PADRE FRANCISCO DE SANTA MARIA NOONG 1579. INILIPAT ANG PAMAMAHALANG ESPIRITWAL NI PADRE JUAN DE OLIVER SA MGA HESWITA SA PAMUMUNO NI PADRE PEDRO CHIRINO, 1591. IPINATAYONG YARI SA BATO NOONG 1748, MULING INILIPAT ANG PAMAMAHALA NG PAROKYA SA MGA PARING SEKULAR NA KASTILA, 1753. PAGKARAAN SA MGA REKOLETOS, 1876. ISINALIN SA MGA PARING SEKULAR NA PILIPINO SA ILALIM NG ARSIDIYOSESIS NG MAYNILA, 1908. NAPALIPAT ANG PANGANGASIWA SA DIYOSESIS NG LIPA AT ANG PARI AY SI PADRE BENIGNO GAMEZ.

Labanan sa Kakarong



Location: Pandi, Bulacan (Region III)
Category: Sites/Events
Type: Battle Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1968
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
LABANAN SA KAKARONG
ENERO 1, 1897

SA POOK NA ITO ITINATAG NINA HENERAL EUSEBIO ROQUE, CANUTO VILLANUEVA AT CASIMIRO GALVEZ ANG BALANGAY “DIMASALANG” NG KATIPUNAN NOONG 1896. NAGKUTA ANG MGA 6,000 KATIPUNERONG TAGA-BULACAN SA POOK NA ITO NA NILUSOB NG MGA KASTILA SA PAMUMUNO NI HENERAL OLAGUER–FELIU NOONG UNANG ARAW NG ENERO, 1897, NAGUGUT SA 1,200 KATIPUNERO ANG NAPUKSA SA LABANANG ITO.