Pook na Pinaglibingan kay Emilio Jacinto

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Sitio 1, Brgy. San Juan, Santa Cruz, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 16, 1966
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
POOK NA PINAGLIBINGAN KAY EMILIO JACINTO

SA POOK NA ITO INILIBING SI EMILIO JACINTO NA NAMATAY NOONG IKA-16 NG ABRIL, 1899. SI JACINTO AY SUMAPI SA KATAAS-TAASANG KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN (KKK) O KATIPUNAN NOONG 1894 NA MAY SAGISAG NA “PINGKIAN”. NAGING KALIHIM NG SAMAHAN AT KANANG-KAMAY NI ANDRES BONIFACIO. MAY AKDA NG “KARTILYA”, “LIWANAG AT DILIM”, AT IBA PA. KASAMANG NAGTATAG NG PAHAYAGANG KALAYAAN AT SUMULAT SA SAGISAG NA “DIMAS-ILAW”. ANG KANYANG MGA LABI AY INILIPAT SA MAUSOLEO DE LOS VETERANOS DE LA REVOLUCION SA MANILA NOONG 18 NG DISYEMBRE 1921, AT NOONG DISYEMBRE 1976 SA DAMBANANG EMILIO JACINTO SA HIMLAYANG PILIPINO, LUNGSOD NG QUEZON.

No comments:

Post a Comment