Gusaling Roman R. Santos





Location: Don Roman Santos Building, Plaza Sta. Cruz Street cor. Escolta Street, Santa Cruz, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1977
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
GUSALING ROMAN R. SANTOS

SA POOK NA ITO ITINAYO ANG GUSALI NA INOKUPAHAN NG CAJA AHORROS Y MONTE DE PIEDAD MULA NOONG 1894 HANGGANG 1937. NABILI AT PINALAKI NG CONSOLIDATED INVESTMENTS CORPORATION AT MULING IPINAGBILI SA ASYENDA MAGDALENA NOONG 1944. NAGING PAGAMUTAN NG KRUS NA PULA NG AMERIKA, 1945–1947.

BINILI NI RAMON R. SANTOS NOONG 1955 AT INOKUPAHAN NG PRUDENTIAL BANK AND TRUST COMPANY AT MGA TANGGAPANG PANGKALAKAL. ANG MULING PAGSASAAYOS AY NATAPOS NOONG 1957.

Heneral Martin Teofilo Delgado




Location: Sta. Barbara, Iloilo (Region VI)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1973
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
HENERAL MARTIN TEOFILO DELGADO
(1858–1918)

ISINILANG SA BAYANG ITO NOONG NOBYEMBRE 11, 1858. NAG-ARAL SA PAARALANG PAMBAYAN NG STA. BARBARA AT SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA.

NAGING PANGKALAHATANG PUNO NG MGA REBOLUSYONARYO SA KABISAYAAN AT MINDANAW NOONG HIMAGSIKAN NG 1898 AT NOONG DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO, 1899–1901.

SUMUKO SA MGA AMERIKANO NOONG PEBRERO 1901 MATAPOS MAKIPAGLABAN NANG BUONG KAGITINGAN. KAUNA-UNAHANG GOBERNADOR NG ILOILO NOONG PANAHON NG MGA AMERIKANO (1901–1903). NAGING ALKALDE NG STA. BARBARA NOONG (1905–1906).

NAMATAY NOONG NOBYEMBRE 12, 1918.

Simbahan ng Taytay


NHCP Photo Collection
NHCP Photo Collection

Location: Taytay, Rizal (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: June 24, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG SIMBAHAN NG TAYTAY

DATING YARI SA MAHINANG KAGAMITAN NA IPINATAYO NG MGA MISYONERONG PRANSISKANO MALAPITSA BAYBAYIN  NG LAGUNA DE BAY, 1579. HIWALAY BILANG VISITA NG SANTA ANA DE SAPA, 1583. INILIPAT SA KASALUKUYANG POOK NI P. PEDRO CHIRINO, S.J., 1591 AT BININYAGAN  ANG BAYAN NG PANGALANG SAN JUAN DEL MONTE. IPINAGAWA ANG UNANG SIMBAHANG BATO SA LABAS NG MAYNILA. MULING IPINAGAWA ANG PANGALAWANG SIMBAHANG BATO NA HIGIT NA MALAKI NI P. JUAN DE SALAZAR,1630. NASIRA ANG BUBUNGAN NG MALAKAS NA BAGYO, 1632; IPINAAYOOS SA PAMAMAHALA  NG MGA SEKULAR, 1768; AT SA MGA AGUSTINONG-REKOLETOS, 1864. MULING NASUNONG NOONG DIGMAANG FILIPINO-AMERIKANO, 1899; PINALAKI PARA MATUGUNAN ANG LUMALAKING POPULASYON NOONG MGA UNANG TAON NANG 1970'S.

Komisyon Sa Wikang Filipino



Location: Watson Building, J.P. Laurel St., San Miguel, Manila
Category:  Association/Institution/Organization
Type:  Government Office
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 13 November 2011
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

ITINATAG ALINSUNOD SA BATAS COMMONWEALTH BLG. 184 NA NILAGDAAN NI PANGULONG MANUEL L. QUEZON BILANG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA (SWP) NA MAY PANGUNAHING LAYUNIN NA PUMILI MULA SA IBA’T IBANG WIKA SA PILIPINAS BILANG BATAYAN SA PAGBABABLANGKAS NG PAMBANSANG WIKA, 13 NOBYEMBRE 1936. BINUO ANG LUPON NG MGA PINUNO, 13 ENERO 1937. JAIME C. DE VEYRA, UNANG DIREKTOR. UNANG NAKAHIMPIL SA GUSALI NG KONGRESO NG PILIPINAS AT NAILIPAT SA IBA’T IBANG POOK. INILIPAT ANG PANGANGASIWA SA KAGAWARAN NG PAGTUTURO, 4 OKTUBRE 1947. NAGING LINANGAN NG MGA WIKA SA PILIPINAS (LWP) SA ILAIM NG KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 117 NI PANGULONG CORAZON C. AQUINO, ENERO 1987. NAGING KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF) SA BISA NG BATAS REPUBLIKA BLG. 7104, 14 AGOSTO 1991. INATASANG MAGSAGAWA NG PANANALIKSIK, PAGPAPAUNLAD, PAGPAPALAGANAP AT PRESERBASYON NG FILIPINO AT IBA PANG WIKA SA PILIPINAS.

Jose Rizal (Paco Cemetery)





NHCP Photo Collection, 2011

NHCP Photo Collection, 2011
Location: Paco Cemetery, Manila (Region NCR)
Category:  Sites/Events
Type: Burial Site
Status: Level II - Historical marker 
Marker date: 1957
Marker text:
JOSE RIZAL

EXECUTED 30 DECEMBER 1896; INTERRED SECRETLY IN THIS SPOT BY THE AUTHORITIES ON THE SAME DAY; GUARDED FOR FIFTEEN DAYS BY THE GUARDIA CIVIL VETERANA. REMAINS EXHUMED 17 AUGUST 1898, PLACED IN AN URN MADE BY TEODORO ROMUALDO DE JESUS, DEPOSITED IN THE HOUSE OF HIS MOTHER IN ESTRAUDE STREET, BINONDO, AND ON 30 DECEMBER 1912 LAID BENEATH HIS MONUMENT AT THE LUNETA.



Simbahan ng Pagbilao


Location: Pagbilao, Quezon
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 4, 1986
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG PAGBILAO

ITINATAG ANG PAROKYA NG MGA PRANSISKANO SA BINAHAAN NOONG,1688 AT NAGING MINISTRO SI PADRE CRISTOBAL MORTANCHEZ. INILIPAT ANG SIMBAHAN SA KASALUKUYAN TAYO NG BAYAN SA PATRONA NO STA. CATALINA DE ALEXANDRIA, 1730 AT NAGING KURA PAROKO SI PADRE FRANCISCO XAVIER DE TOLEDO. ITINAYO ANG SIMBAHANG BATO SA PAMAMAHALA NI PADRE VICTORINO PERALIJA,1845; AT NATAPOS KASAMA ANG KUMBENTO AT TORE,1877 SA PAMAMAHALA NI PADRE EUGENIO GOMEZ. NAWASAK NOONG LIBERASYON, 1945, AT MULING IPINAAYOS SA PANGAGASIWA NI PADRE VICENTE URLANDA NOONG 1954.

Luzon Landing

© Ryomaandres/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Blue Beach Site, Dagupan City
Category: Site/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1949
Installed by: Philippine Historical Committee (PHC)
Marker text:
LUZON LANDING

ON THE SHORE KNOWS AS BLUE BEACH BUNOAN DAGUPAN CITY FIRST COMBAT TROOPS OF THE SIXTH ARMY OF THE UNTIED STATES OF AMERICA UNDER THE COMMANDS OF GENERAL DOUGLAS MACARTHUR LANDED 9 JANUARY 1945 TO LIBERATE THE ISLAND OF LUZON THUS FULFILLING  HIS PROMISE TO THE FILIPINO PEOPLE "I SHALL RETURN"

Pablo Araneta Y Soriano



Location: Molo Church Convent, Molo, Iloilo
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 17, 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PABLO ARANETA Y SORIANO 
(1865–1943)

LIDER REBOLUSYONARYO AT MAKABAYAN. ISINILANG SA MOLO (DATING PARIAN), ILOILO NOONG AGOSTO 17, 1865. NAGKAMIT NG TITULONG BATSILYER SA SINING, ATENEO MUNICIPAL DE MANILA, 1883; TITULO DE AGRIMENSOR Y PERITO TASADOR DE TIERRAS, 1885 AT LISENSIYADO SA MEDISINA, 1890 KAPWA SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS. NAGING KAPITAN NG VOLUNTARIOS DE EJERCITO ESPAÑOL NG MOLO, 1898; HEPE SUPERIOR NG EKSPEDISYONG REBOLUSYONARYO NA DUMAONG SA LIPATA, ANTIQUE, 1898; TINALO ANG MGA KAWAL KASTILA SA LABANAN SA AREVALO, ILOILO; KOMANDANTE HENERAL NG HUKBONG REBOLUSYONARYO NG ILOILO AT KINATAWAN NG HUKBO SA REPUBLIKA NG VISAYA, 1898; PRESIDENTE MUNICIPAL NG MOLO, 1902; PUNONG PANGKALUSUGAN NG LALAWIGAN NG ILOILO, 1905–1907; PUNONG SANIDAD DE PANAY, 1907–1908; AT KAGAWAD NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG ILOILO, 1909. NAMATAY NOONG 1943.

University of Santo Tomas*

NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Photo Collection, 2013



Resolution No. 5, s. 2011 (Page 1)

Resolution No. 5, s. 2011 (Page 2)

Location: Espana, Manila (Region NCR)
Category: Building/Structures
Type: School
Status: Level I- National Historical Landmark
Declaration: Resolution No. 5, s. 2011
Historical markers installed inside the UST Campus:
1. University of Santo Tomas, 1935
2. Ang Unang Limbagan sa Pilipinas, 1943
3. Jose Rizal 1861-1896, 1960
4. Manuel L. Quezon 1878-1944, 1961
5. Bulwagang Paraninfo, 1941
6. University of Santo Tomas, 2012 (Installed by National Historical Commission of the Philippines) (NHCP)
Marker text (2012):
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

UNANG ITINATAG SA INTRAMUROS BILANG SEMINARYO NG COLEGIO DE NUESTRA SEÑORA DEL SANTISIMO ROSARIO NI ARSOBISPO MIGUEL DE BENAVIDES, O.P., 28 ABRIL 1611. PINANGALANANG COLEGIO DE SANTO TOMAS BILANG PAG-ALAALA KAY SANTO TOMAS DE AQUINO, 1625. NAGING UNIBERSIDAD 1645. GINAWARAN NG TITULONG REAL NI HARING CARLOS III, 1785. TAGAPANGASIWA NG MGA PAARALAN SA PILIPINAS, 1865. ISINARA NOONG PANGALAWANG BAHAGI NG REBOLUSYONG PILIPINO LABAN SA ESPANYA AT DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO, 1898–1899. MULING BINUKSAN, 1899. BINIGYAN NG TITULONG PONTIFICAL UNIVERSITY NI PAPA LEO XIII, 1902. TUMANGGAP NG MGA MAG-AARAL NA BABAE, 1924. INILIPAT SA HACIENDA SULUCAN SA SAMPALOC; PINASINAYAAN ANG PANGUNAHING GUSALI NA DINESENSYO NI PADRE ROQUE RUAÑO, O.P., 1927. GINAMIT NG MGA HAPON BILANG PIITAN NG MGA AMERIKANONG SIBILYAN AT IBA PANG MGA BIHAG NA KAALYADO NG ESTADOS UNIDOS, 1942–1945. GINAWARAN NI PAPA PIO XII NG TITULONG CATHOLIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, 1947. KABILANG SA MGA NAG-ARAL DITO ANG MGA ITINANGHAL NA SANTO AT MARTIR NG SIMBAHAN, AT MGA BAYANING PILIPINO TULAD NINA JOSE RIZAL, EMILIO JACINTO, MARCELO H. DEL PILAR AT APOLINARIO MABINI; AT MGA NAGING PANGULO NG PILIPINAS NA SINA MANUEL L. QUEZON, SERGIO OSMEÑA, JOSE P. LAUREL AT DIOSDADO MACAPAGAL. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 24 MAYO 2011, SA BISA NG NHCP BOARD RESOLUTION NO. 5, S. 2011.